Ano
pa ang silbi ng gabi
kung
ang tanging kayakap
ay
yaring alab ng pangungulila
at
karimlan ay nawalan na
ng
himig na hehele at hahagod
sa
pagal na katawan
at
diwang pagod
at
uhaw sa tamis
ng
panandaliang
pag-idlip.
Naunahan
na
ng
mga tala
yaring
namumugtong
mga
mata sa pagtulog...
hilik
nila’y ramdam
ko
sa hamog na
sumasaliw
sa
unang
pagtilaok
ng
bukangliwayway.
Kagabi
pa...
panauhin
kang
nilalamayan
ng
aking ulirat.
Kagabi
pa...
tila
ba’y kalaguyo kang
matagal
ng wala...
hindi
naging akin...
sinuyo ko siya’t ako’y hinagkan bilang isang kasama.
Kagabi
pa...
kung
hindi lang
sa
iniirog at inaasam
na
nanunukdulan nang
pagkatimawa...
klang...!
klang...! klang...!
umaga
na pala...
nananambana
na
ang
pag-iisang palad
ng
lahat sa sinisintang
kalayaan!
No comments:
Post a Comment