Tuesday, 27 January 2015
Saturday, 17 January 2015
Papa Iko
Naisabi niya po ba sa iyo…?
Kung hindi po, itutula ko na lang…
Ang aming bansa ay tahanan
dinalitang milyong pamilyang
kumakalatog sa pinggang walang laman
sa gutom ay lagiang nangungulo ang tiyan.
Bayan din namin ay pinaraiso
ng mga ganid at gahamang
nagpapanggap na boss niya
ay kaming mga Huwana’t Huwan
ngunit ang tutuo niyan…
kami ay ikinakalakal sa
mga kakutsaba nilang
mga dayuhan.
Sa aming bansa…
Bayani ang mga alipin
at sigaw ng katarungan,
demokrasya at kalayaan
ay isang krimen
kaya marami at dumarami
ang bilang ng mga biktima ng
extra judicial killings
sa husga ng batas militar na
Oplan Bayanihan.
Kanina ika’y nasa Tacloban…
Nakita niyo po ang bakas
ni Yolandang iniwan…
marami pa rin ang
walang tahanan
Labing Apat na buwan
na ang nagdaan—ang Tacloban,
larawan ng mga milyong sinalanta
sa iba pang kaprobinsyahan.
Baka hindi niyo na po
nasilayan…
mga ligaw na anghel
sa lansangan
na iyong dinaanan…
ipinaligpit po sila
nitong pamahalaan…
tila po nagtitipid
sa paglahad ng
katotohanan.
Kung hindi po, itutula ko na lang…
Ang aming bansa ay tahanan
dinalitang milyong pamilyang
kumakalatog sa pinggang walang laman
sa gutom ay lagiang nangungulo ang tiyan.
Bayan din namin ay pinaraiso
ng mga ganid at gahamang
nagpapanggap na boss niya
ay kaming mga Huwana’t Huwan
ngunit ang tutuo niyan…
kami ay ikinakalakal sa
mga kakutsaba nilang
mga dayuhan.
Sa aming bansa…
Bayani ang mga alipin
at sigaw ng katarungan,
demokrasya at kalayaan
ay isang krimen
kaya marami at dumarami
ang bilang ng mga biktima ng
extra judicial killings
sa husga ng batas militar na
Oplan Bayanihan.
Kanina ika’y nasa Tacloban…
Nakita niyo po ang bakas
ni Yolandang iniwan…
marami pa rin ang
walang tahanan
Labing Apat na buwan
na ang nagdaan—ang Tacloban,
larawan ng mga milyong sinalanta
sa iba pang kaprobinsyahan.
Baka hindi niyo na po
nasilayan…
mga ligaw na anghel
sa lansangan
na iyong dinaanan…
ipinaligpit po sila
nitong pamahalaan…
tila po nagtitipid
sa paglahad ng
katotohanan.
Friday, 16 January 2015
Tuesday, 13 January 2015
BAYAN Muna Cong. Carlos Isagani Zarate in Aklan
A Forum Against Pork Barrel and People's Struggle for Fair and Unconditional Release of Shelter Assistance for the Victims of Super Typhoon Yolanda
Subscribe to:
Posts (Atom)